Started 25 May 2015
1:05 am
Lots of procrastination, collection of ideas and laziness for weeks.
But I came up with these tips. Hope you enjoy.
But I came up with these tips. Hope you enjoy.
![]() |
©alfredjerald photography |
UST CTHM FRESHMEN EXPERIENCES/TIPS 2015
Hello
guys! first of all welcome to University of Santo Tomas and College of Tourism and Hospitality Management! So eto na nga ang pinaka-hinihintay ng lahat, ang freshmen tips! So narito ako ngayon para ipaalam sa inyo
mga iba’t ibang tips na para sa akin ay somehow useful sa college.
This blog might be helpful sa inyo sometime, kaya pwede niyo iapply ang ibang mga tips dito. Pero sa experiences, hindi ko talaga
sinasabing mangyayari lahat ng mababanggit ko rito, case-to-case basis siya.
Tsaka gusto ko lang din ishare sa inyo ang mga naranasan ko. Hehe! ‘Nga pala, nakapaghanda na ba kayo ng mga
gamit niyo? Kung oo, edi kayo na excited! Haha! De, ganun talaga, kahit nga ako
eh, nung HS pa lang sobrang excited ko
na talaga. But the only thing na laking gulat ko ngayon is for the first time
hindi ako excited pumasok. Dahil siguro naranasan ko ang hirap college kahit
na nakayanan ko dahil ibang iba talaga ang college sa high school. Speaking of high school, sa mga high
school graduates 2015 ay mga masuswerte dahil meron pa silang isa buwan na
extension ng bakasyon. Kami kasing mga graduates ng 2014 ay March/April
(Depends sa date ng graduation) upto July lang, sila August. Basta sulitin niyo ang
bakasyon at maging handa sa worst na mangyayari (Requirements na sobrang nakakapagod, ulan, baha, init etc.)
Random experiences/tips part 1:
a.
Kahit sobrang active niyo sa CTHM group, mamaya sa block na lang kayo active,
mamaya hindi na rin kayo active sa block group at magtatanungan na lang kayo
about sa class. “Anong assignment?”; “May
assignment ba?” etc. Sad. Pero syempre, gaya ng sabi ko, case-to-case basis
ito, kasi hindi naman lahat ganito.
b.
Kapag sasali ka ng mga orgs, make sure na kaya mo talaga imanage ang time mo,
kasi bawat araw, lalong pahirap nang pahirap ang mga schedules kaya may mga
araw na tatamarin kang pumunta sa mga orgs na pinasukan mo lalo na’t more than
two. Ako kasi sa una kasi akala ko kaya ko lahat, pero yun pala hindi, (This coming school year, I shall do my best!) I learned my lesson. Kaya sumali ka
lang kapag kaya mo.
c. Advance congrats and good luck sa magiging class president! ;)
d.
Every last Friday of the month is Yellow Day! At sa CTHM lang meron nito, kaya
maeenjuyan mo na nagsusuot ka ng yellow (UST) shirt every month.
e.
Tipid. Tipid! TIPID! Kelangan nating matutong magtipid kasi ang hirap magtipid.
Serioso. Basta you will experience it.
f.
Magdala ng registration form anumang oras kapag pupunta kayo sa UST dahil naranasan ko na hindi ako
pinapasok ng guard, actually kami, nung nagmeeting kaming mga freshies last year nung before
class. Though sa bandang huli nakapasok pa rin kami.
g.
Sa mga dormers, dapat may boots kayo at raincoat sa dorm, para at least kapag umulan at bumaha, pwede kayong lumabas sa dorm para bumili ng pagkain nang
safe—iwas ma-electrocute sa baha. Dapat yung almost sa knees ang boots kasi
minsan intense ang taas ng baha.
h.
I suggest magdorm kayo lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar. Maganda rin mag-isa sa dorm, lalo na sa may gusto ng
peace of mind. HAHA! May alam akong dorm, sa Marzan Street, between Piy Margal and
Dapitan (tatawid pa kayong Lacson road), may dorm na 6k per month (pero baka
nagchange price sila kaya hindi ko sure kung hanggang ngayon ba ganun ang price
o hindi), tapos inclusive of water and electricity. Basta madali lang
madistinguish kapag pumasok kayo sa Miguelin street. Maraming mga
dorms/apartments na mura sa Dapitan kapag tatawid kayong Lacson. :D
i.
whether or not, macuculture shock ka, kaya masanay ka dapat (especially talaga sa mga dormers. Mahirap
ang ma-homesick). Pero masasanay ka lang sa bandang huli. Magiging mas
matatag ka. That’s how the best people are born!
j.
Magexplore ka sa buong UST(aside from official campus tour)!
Tips
sa uniform:
a.
Since our uniform is the most coveted uniform, we must wear our uniforms
properly. Wag maging badass. Wag magpakulay ng buhok, dapat natural color lang. Btw, sa mga girls, maglagay kayo ng band-aid sa bandang heels at fingers na
rin para di kayo mapapaltos sa heels. And, sa una sasakit pa paa niyo lalo na sa
campus tour, pero masasanay rin kayo within a month. Bawal rin magflats
lalung lalo na ang slippers kahit saang sulok ng unibersidad, gaya nga ng sabi
ni Doctor Ligan (Siya ang nagkukumpiska ng mga ID kapag wrong uniform, and other offenses) sa meeting, okay lang magflats,
rubbershoes, slippers or any kinds of footwear sa labas ng campus as long as
magheels (girls) or leather shoes (guys) sa loob ng campus sa lahat ng oras; proper
uniform dapat. Pero para sakin hindi recommended ang slippers kasi diba fomal ang uniform ng CTHM tapos magtsinelas ka, hindi bagay. Sa mga guys, isara lahat ng
botones ng polo kasi di bagay kapag nakabukas ang botones na nasa collar banda
+ necktie. Speaking of necktie, dapat marunong kayo magtie. :D
b.
Sa sobrang init ng uniform natin dahil sa mga layers (under shirt, polo and
vest), magdala lagi ng pamaypay, lalung lalo na ang payong—rain or shine
safe ka. Actually kahit magsummer uniform ka, same lang ang maramdaman mong
init. Walang patawad si sun.
c.
Kung nagamit mo lang ang uniform mo sa isa o dalawang subject sa isang araw,
wag mo na muna labhan, lalo na’t kung mabango pa, para makakatipid sa laundry.
Sayang din naman diba? Pero you’re choice.
d.
Every Monday is bun day. Pero sadly ngayon di na masyado sinusunod, ang ganda
kaya sa mga girls ang may bun, kasi nagmumukha talaga silang artista at professional, mapapatingin talaga ang mga lalake sa ganda kapag dadaan sila—DIBA GUYS?! Hahaha! Sana Bunday ulit
ang Monday.
e.
Kapag magkaroon na kayo ng Chef’s uniform sa second sem, wag lagi labhan ang
toque o ang tinatwag na chef’s hat
para hindi siya lumambot kapag isusuot.
Random
experiences/tips part 2:
a.
Wala pang masyadong prof sa first day, pero magdala pa rin ng notebook. Pag
naswerte, wala kayong prof sa next meeting o buong week. Matakot kayo kapag
wala pa kayong prof within that month, meaning wala pa talaga kayong prof.
Haha. Kami kasi nung first sem, malapit na ang prelims dun pa nagkaprof, ganun
din sa isang section. Pero masayang
experience kapag babalikan mo past mo gaya ngayon. HAHA!
b.
Sa first sem prelims, medyo chill pa mga subject at schedule, kaya gawin mo na
best po to aim you grades as high as you can, para kung sakaling mahirapan ka
sa second sem DL ka pa rin! :D
Tips
para sa first day/week/month ng class:
a.
Always bring your reg form dahil isisign yan ng mga prof, access sa library and
other building such as main building kapag may pupuntahan kayo (museum, or
magbabayad kayo sa office) at higit sa lahat, access sa UST. I suggest ilagay
mo lang sa bag ang reg form para hindi ka na magwowory. Ilagay sa folder para hindi magusot.
b.
Maghanda ka ng anumang sizes ng indexcard at 1x1 picture, maghanda ka na rin ng
2x2. Pwede ka magpapicture ng 1x1 at 2x2 at the same time sa Carpark,
nakalimutan ko ang name pero katabi ata ng D2B? Someone please help me. :D
c. Maiinspire ka sa mga ibang profs dahil ang galing nilang magturo at sa mga nagawa nila. At saka amazing ang mga profs dahil mga M.A. at Ph.D. sila.
Random
experiences/tips part 3:
a.
Sumali ng org pala may friends ka. Most importantly, sumali ka para may mga
connections ka paggraduate mo, as well as mafifill ka ng knowledge on how to
run an organization.
b.
May mga subjects na hindi ka na magsusulat ng lecture kasi may handouts, may
mga subjects din na grabe lecture. Pero both of them masaya, actually mas
maganda magsulat kasi mas maiintindihan mo, at summarized na ang mga lecture na
binibigay ng mga professors.
Tips
sa loob ng BGPOP (Buenaventura Garcia Paredes O.P.) Building:
a.
Wag mag-ingay sa hallway especially after class paglabas ng room. Wag magkalat ng mga pieces of
papers, plastic bottles, plastics anywhere such as floor lobby, hallway, at sa loob ng classroom. Hindi rin pwedeng kumain sa loob ng
classroom unless candies or yung isang subo lang na pagkain.
b.
Subukan mo ring magstairs pataas para at least, exercise.
c.
Malamig sa loob ng classroom kaya advisable na magdala kayo ng jacket. May mga room din na hindi gumagana ang lamig sa aircon, kaya
advisable din na magdala kayo ng pamaypay.
Random
experiences/tips part 4:
a.
Minsan, dipende sa professor, first sem pa lang may research na, better get
ready. Pero kaya niyo lang yan! Hehe.
b.
Wag kang tumingin sa grades/scores ng iba mong classmate kapag nagkataon na
nakakuha ka ng mababa. Depressed ka na nga sa baba ng grade mo, makakakita ka
pa ng mas may mataas sayo, double kill. HAHA!
Feel ko ang bitin ng tips. Pero so far ito pa lang maibibigay ko. More updates! Good Luck freshmen! ^_^
This blog is still subject to additional changes/revisions from time to time.
Feel ko ang bitin ng tips. Pero so far ito pa lang maibibigay ko. More updates! Good Luck freshmen! ^_^
This blog is still subject to additional changes/revisions from time to time.
No comments:
Post a Comment