Isang tipikal na mainit na umaga ang sumalubong sa akin. Papunta ako sa kalsada galing sa aking dormitoryo. Sa bawat yapak ng aking lakad ay kasamang pawis na tumutulo. Pinupunasan ko sabay lakad at tumawid sa kabilang kanto ng Dapitan at naghintay ng dyip na papunta sa P. Campa para bumaba sa P Noval. Ngunit wala akong nakitang masakyan sapagkat mabagal ang daloy ng trapiko kung kaya't naisipan ko na lang na maglakad kasabay ang paghahanap ng masasakyan.
![]() |
afternoonwalks.wordpress.com |
Isang dilaw na dyip na may linyang asul
ang aking natagpuan, at sa pagsakay ko ay saktong
kumaripas ito ng takbo. "Hay salamat," ang sabi
sa sarili sapagkat sa pagtakbo nito ay may hanging
umiihip nang malakas at dumadaloy hanggang
sa kailaliman ng aking uniporme gayon din na
dahil mayroon na akong nasakyan at wala na
akong dapat ipag-alala sa init ng panahon.
"Bayad po,"iniabot ko ang aking bayad. Dalawang
upo ang aking layo sa tsuper kung kaya't iniabot
ng isang mabait na lalake ang bayad sa tsuper
sa harap at napanatag na ang aking loob.
"Bayad po," iniabot din naman ng isang babaeng
kasasakay lang. Tatlong upo naman ang kaniyang
layo sa harap kung kaya't ipinaabot din niya ang
kaniyang bayad sa harap. Maya't maya'y sinuklian
na ang babae at iniabot sa kaniya ng mabait na
lalake, sabay sabing "thanks." Bigla akong napaisip
at napatanong sa sarili kung bakit sa pag-abot
ng kanyang bayad ay pormal ang kaniyang
pananalita at sa pagtanggap na niya ng bayad ay
umiba ang antas ng pananalita. Gayon din sa iba
kong karanasan na kung saan sinasabi ng mga
pasajero ang "bayado po," gayon din ang "para po"
ngunit sa paga-bot nila ng bayad o sa pag-abot sa
kanila ng sukli ay tahimik lamang sila. Marahil
nga ang dahilan nito ay sa kinaugaliang paggamit
ng isang bagay ng karamihan sa lipunan o uso sa
isang partikular na bagay lamang. Marahil ang
kasanayan natin ayang pagbayad, pagpara lamang
ang may pormal at sa ibang bagay ay hindi na.
Siguro kung hinubog pa tayo sa paggamit ng iba
pang pormal na pananalita ay nasasabi na rin
natin ang "salamat po" sa bawat pagabot ng ibang
tao sa bayad natin sa harap o sa atin, at sa
bawat paghinto ng sinasakyan natin. Hindi
lang iyan, pati na rin ang ating mga gawain,
na kung saang iniaabot din natin ang bayad
ng ibang tao sa harap o pabalik sa nagbayd.
May mga oras na kung saang minsa'y
nagbibingi-bingihan ang ibang mga pasajero
lalo na sa FX na hindi malaman kung bakit
mayroong pagtangging kasama sa pag-abot
ng bayad sa harap kung ngayon ay mas maigsi
pa ang haba nito kaysa sa dyip. Kung nais
man nating matulungan tayo, ba't hindi natin
simulan ang pagtulong sa kapwa at nang
magtutuluy-tuloy ito hanggang sa maging
parte na natin ang pagtulong sa kapwa--na
para bang mga salita lamang na sasambitin
kapag nagpapasalamat at bumabati, na may
kasama pang ngiti.

Sa pagbuo ng aking pananaw, ang karamihan ay nakikisabay sa isang bagay kapag nakakakita sila na ginagawa ito ng karamihan o kung ito'y uso, gaya ng paglalagay ng 'po' kung magpapara o magbabayad, na isa nang parte ng ating kultura. Para mauso pa ang mga magaganda't responsableng gawain, simulan na natin dapat gawin ang mga bagay na hindi masydong nagagawa ng karamihan at kung ang mga ito man ay mauso, mapa-salita man o mapa-gawain, sa loob man ng sasakyang pampubliko o sa ibang mga bagay na kung saang pwedeng gawin, ay maipagmamalaki nating tayo ay nakakatulong sa ating kapwa. Dahil sa nakasaayan na natin ang mga gawaing ito, ikakaugalian na natin natin at ang mga gawaing ito ay magiging impluwensyang sosyal samakatuwid, at magiging parte ng ating kultura.
No comments:
Post a Comment